Sabungero, tinamaan ng tari, patay

0
1032

Tagkawayan, Quezon. Patay ang isang sabungero matapos na tamaan ng tari ang kanyang hita ng biglang pumiglas ang ibubutaw na sasabunging manok sa loob ng sabungan sa bayang ito.

Ayon sa report Tagkawayan Municipal Police Station (MPS), kahapon, naganap ang Kilala ng pulisya ang biktima na si Ronnel Nator, 47-anyos na residente ng Barangay Candalapdap sa Tagkawayan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Archiband Nase, imbestigador ng Tagkawayan MPS  Police, magbubutaw sana ng manok ang biktima ng biglang pumiglas ang manok.

“Nagsasabong sila yung legal na sabungan dito sa Tagkawayan. Nung aktong magbibitaw na sila ng manok, aksidenteng nag-hysterical itong manok at tumama dito sa kanyang hita (ang tari),” ayon sa imbestigador na pulis.

Nasa tatlong pulgada ang haba ng tari na tumama at pumasok sa hita ng biktima at naging sanhi ng malakas na pagtagas ng dugo sa sugat. Dinala sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.