Salamat sa maligaya at ligtas na kapaskuhan

0
504

Kasisimula pa lamang ng Mass Vaccination Program ay nagdeklara na sina San Pablo City Mayor Amben Amante, City Administrator Vicente Amante at City Health Officer James Lee Ho na ang Pasko 2021 ay magiging masaya sapagkat magiging matagumpay ang programang ito.

Marso 15, 2021 ang petsa ng unang araw ng pagbabakuna ng lokal na pamahalaan. Ang naging recipients  ng programa ay A1 priorities o healthcare workers mula sacpampubliko at pribadong sektor.

Aaminin ko na ako man ay nag alinlangan kung maisasakatuparan nga ba ang sinabi ng tatlong opisyales ng San Pablo?

Noon ay wala pang katiyakan ang supply ng covid-19 vaccines na kailangang maiturok sa 70% populasyon ng lungsod upang maabot ang herd immunity.  Kahit may inilaan na pondo na pambili ng vaccines ay hindi pala pwedeng makabili dahil kontrolado ito ng World Health Organization at mga  national government. Bukod pa dito ang katotohanang napakaliit ng ating annual budget at hindi naman ganon karami ang tauhan ng City Health Office. Sa isip ko ay para yatang suntok sa buwan ang pangarap na ito.

Ngunit lahat ng pag aalinlangan ko ay napawi. Dahil sa husay ng paghahanda at  pakikipag ugnayan sa national government ay umanod ang sapat na supply upang agad mabakunahan ang A1, A2 at A3 priorities. Nakiisa ang lahat ng pribado at publikong pagamutang sa lungsod, ang mayoryang mamamayan at kalaunan pati religious sectors ay nakilahok na rin.

Nalampasan ang ibang mauunlad na lungsod sa Laguna kung bakunahan ang pag uusapan. Dahil nasanay agad ang vaccination teams ay nagtatag ng ordinary at ultra-low freezers upang gamiting cold storage ng vaccines. Dito tayo unang nakaungos sapagkat mas maraming natatanggap na vaccine supplies kung may kumpletong cold storage at kung may sapat na kahandaan ang isang local government unit. 

Napakarami kung babanggitin lahat ang kapuri puring nagawa ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City. Dahil dito ay makararanas ng tunay na Maligayang Pasko 2021 ang kanyang mamamayan. Ang tanging kong masasabi ay salamat, salamat, salamat po!

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.