Same-sex marriage legal na sa Thailand: Unang bansa sa Southeast Asia na kumilala sa marriage equality

0
153

BANGKOK. Pormal nang naging legal ang same-sex marriage sa Thailand matapos pirmahan ng kanilang hari na si King Maha Vajiralongkorn, ang batas na ito. Ayon sa opisyal na Royal Gazette nitong Martes, naging ganap na batas ang same-sex marriage, dahilan upang kilalanin ang Thailand bilang unang bansa sa Southeast Asia at pinakamalaking bansa sa Asya na sumusuporta sa marriage equality.

Ang bagong batas na ito ay inaprubahan ng parlyamentaryo noong Hunyo at nakatanggap ng royal assent mula sa hari. Iiral ang batas na ito sa loob ng 120 araw matapos ang pagpirma.

Sa kasalukuyan, ang Thailand ang ikatlong bansa sa Asya na nagbibigay ng karapatang magpakasal ang same-sex couples, kasunod ng Taiwan at Nepal.

Sa buong mundo, mahigit 30 bansa na ang kinikilala ang legalidad ng same-sex marriage mula nang unang ipagdiwang ng Netherlands ang same-sex unions noong 2001.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.