Sampalok Lake Oplan Linis, naging matagumpay

0
1167

Nagkaisa ang iba’t ibang organisasyon dito sa San Pablo City at maging taga ibang lugar at nagtulungan sa Operation Linis ng Sampaloc Lake noong Abril 22, 2022 sa Lungsod ng San Pablo. 

Ang Sampaloc Lake ay isa sa pitong lawa na matatagpuan sa heart of the city na talagang ipinagmamalaki ng mga San Pableños. 

Kasabay ng pagdiriwang ng global celebration of Earth Day ang paglilinis sa lawa. Pinangunahan ito ng grupong Friends of Seven Lakes Foundation Inc. sa pamumuno ng pangulo nito na si Bobby M. Azores. Naroon din si Msgr. Jerry Bitoon na Board of Trustees Chairman at Arvin Carandang, ang Project Chair ng Oplan Linis. 

Kabilang sa mga grupong nakilahok sa paglilinis ang PDA San Pablo City Chapter, JCI San Pablo 7 Lakes, Team Positive Philippines, Integrated Bar of the Philippines San Pablo City Chapter, Lions Club San Pablo City Host, Rotary Club, Rotaract, Kiwanis Club, PNP San Pablo City, Alpha Phi. Omega, PNP Rizal, Laguna, DepEd, Eagles San Pablo City, Canon Business Philippines, LGU San Pablo, Physician Association SPC, Academia de San Ignacio de Loyola J101.5FM at maraming iba pa. 

Layunin ng isinagawang proyekto ang pagpapanatili ng kalinisan sa lawa. Umaasa si Pres. Bobby na sa susunod na taon ay mas marami pa ang makiisa.

Naging matagumpay at makahulugan ang ginanap na programang sapagkat ipinakita nito ang pagkakaisa ng mga taga lungsod at maging ng mga taga ibang lugar na may malasakit sa ating inang kalikasan.

Ang Friends of Seven Lakes Foundation Inc. ay bunuo noong taong 2000.  Nagsimula ang aktibo pagkilos ito sa pangangalaga at proteksyon ng lawang Sampalok noong 1997 sa matagumpay na relocation project ng informal settlers at mga restaurants sa pagilid ng Sampalok Lake.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.