Sampung kilo ng Marijuana na nagkakahalaga ng Php 1.2 M  nasabat ng Laguna PNP

0
383

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang dalawang disi-otso anyos na suspek na pinaniniwalaang malalaking drug trader na nahulihan ng sampung kilo ng Marijuana sa Zavalla Village II Ext. Brgy. Sinalhan, Sta Rosa City kahapon.

Ang mga high value suspects ay kinilalang sina Wilhem Amoroso Dueñas alyas Welhim, 18 anyos at Diane Trisha Aguilar Sardan alias Diane 1818 anyos na grade 12 student at pawang mga tubong Sta. Rosa City.

Nadakip ang dalawa sa ilalim ng drug buy-bust operation and Drug Enforcement team ng Laguna PNP. Ayon sa report, nakuha sa kanila ang tatlumpu’t tatlong (33) sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang mga tuyong dahon at fruiting tops ng cannabis sativa o Marijuana at sampung (10) mga piraso ng bricks ng nakabalot at selyado Marijuana na tinatantyang may timbang na humigit kumulang na 10 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 1.2 M.

Kasalukuyang nakapiit sa Sta. Rosa City Police Station ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay RCalabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.