San Miguel police chief patay sa engkwentro: PhP 1.2M reward para sa makapagtuturo sa mga suspek

0
293

Patay ang hepe ng San Miguel, Bulacan police matapos maka engkuwentro ang mga holdaper noong Sabado ng gabi sa bayan ng San Ildefonso. Nag-alok ng P1.2-milyong reward ang mga awtoridad para makatulong sa mabilis na paglutas sa kaso.

Kaugnay nito, inilabas ng Philippine National Police (PNP) kanina ang composite sketch ng isa sa mga suspek sa pagkamatay ng hepe San Miguel Municipal Police Station na si police si Lt. Col. Marlon Serna.

Batay sa composite sketch, inilarawan ang suspek na nasa 5’3 hanggang 5’4 ang taas, nasa 35 taong gulang, at kayumanggi ang kutis.

Umaasa si PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang composite sketch ay makakatulong sa mga awtoridad sa paghahanap at pag-aresto sa mga suspek.

Nauna rito, pinagsama ng PNP, Department of the Interior and Local Government at Bulacan provincial government ang kanilang resources para magkaroon ng PHP1.2 million reward para sa mga impormante na maaaring magresulta sa pag-aresto sa mga pumatay kay Serna.

Idinagdag ni Fajardo na ang mga larawan ng mga motorsiklo na ginamit ng mga gunmen ay pinalinaw upang matukoy ang kanilang mga plate number.

Tumutugon si Serna sa isang nakawan ng barilin siya ng mga tumakas na suspek sa Brgy.Buhol na Mangga, bayan ng San Ildefonso noong Marso 25

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.