Papunta na sa herd immunity ang SPC, 7% na lang ang walang first dose: Sinusuyod ngayon ang 80 barangay sa house to house vaccination program

0
294

San Pablo City, Laguna. Malapit ng maabot ang  100% ng target population upang magkaroon sa herd immunity sa lungsod na ito, ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho.

Ayon sa report, lang o 7% na lamang ang wala pang first dose at 27% ang naghihintay ng kanilang second dose sa nabanggit na lungsod. 

Upang mabakunahan ang 100% target population, pinupuntahan ng city health frontliners ng lungsod ang bawat barangay upang magsagawa ng house to house vaccination.

Ngayong araw ay umiikot ang mga lokal na frontliners sa mga barangay ng Sta Maria Magdalena, Sta. Filomena at Santiago. Bukas ay nakatakda namang suyurin ang mga barangay ng Del Remedio, Sto. Niño, Bautista, San Francisco at Farconville Village.

“Mas maganda na nasusuyod natin ang bahay-bahay upang mabakunahan ang mga nasa malalayong lugar na walang kapasidad na bumaba sa kabayanan. Kasabay po ng house to house vaccination program ay tuloy tuloy ang bakunahan sa ating mga vaccination sites para maabot natin ang 100% target population para po agad-agad tayong magkaroon ng protection laban sa mga variant,” ayon kay Dr. Lee Ho.

Samantala patuloy  ang information campaign para sa ikalawang bahagi ng National Vaccination Days. Upang ipahayag ang suporta sa nabanggit na programa, i-share at gawing temporary photo ang larawan sa ibaba.

Nasa slideshow ang mga larawan sa puspusan ang kasalukuyang pagsasagawa ng hose to house vaccination program sa 80 barangay ng San Pablo City sa pangunguna ni San Pablo City Mayor Amben S. Amante at City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.