San Pablo City, anim na araw ng Covid-free

0
911

San Pablo City, Laguna. Anim na araw na ngayon na Covid-free ang lungsod na ito, ayon sa report ni San Pablo City Anti-Covid-19 Incident Commander Assistant City Health Officer Dra. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon kina Mayor Amben Amante at City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Nanatiling 8,892 ang total confirmed cases mula Marso 2020 at 8,518 ang total recoveries at 374 ang total fatalities, ayon sa report.

Kaugnay nito, Ipinapaalaala at ipinag uutos pa rin ni Dr. Lee Ho ang palaging pagsusuot ng facemask, malimit na paghuhugas at pag aalcohol ng mga kamay, social/physical distancing, pagpapaputok ng covid vaccine at pananatili sa loob ng tahanan kung walang essential na gagawin sa labas.

Mula sa kaliwa: Laguna Governor Ramill Hernandez, San Pablo City Anti-Covid-19 Incident Commander Assistant City Health Officer Dra. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon, San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho, Laguna Vice Governor Karen Agapay at Dulce H. Rebanal, Provincial Administrator of the Provincial Government of Laguna sa pagkilala sa lungsod ng San Pablo sa pagsisikap na makapagtaguyod ng maayos ay epektibong vaccination programs.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.