San Pablo City: Bukas na ang listahan para sa pagbabakuna ng mga batang 5-11 taong gulang

0
373

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City ang pre-registration para sa pagbabakuna sa COVID-19 sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Sa Facebook post ng San Pablo City Information Office kagabi, ibinalita na bukas na ang listahan para sa pediatric vaccination.  

“Para sa edad na 5 hanggang 11 taong gulang, sisimulan ng San Pablo City ang pagbabakuna sa COVID-19 para sa age group na ito sa sandaling maglabas ang Department of Health (DOH) ng mga alituntunin,” ayon kay San Pablo City Mayor Amante.

Samantala, hinimok ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho ang mga magulang at guardian ng mga bata na may edad 5 hanggang 11 na magparehistro na ng maaga para sa anti-COVID shot.

Maaaring isagawa ang pagpaparehistro sa:

tinyurl.com/sanpablo1stdose

Pumili ng angkop na kategorya:

  1. PA3 – Pediatric group with comorbidity (5 hanggang 11 taon
  2. The pediatric population without comorbidity (5 hanggang 11 taon)

I-upload ang 2×2 picture at ID o Birth Certificate ng batang babakunahan.

I-print o i-save sa cellphone ang Google Form Receipt email.

Hintayin ang mga anunsyo ng simula ng pagbabakuna.

Nauna dito, inaprubahan ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Pfizer’s COVID-19 vaccine para sa mga bata sa loob ng nasabing age group.

Ang National Vaccination Operations Center ay mag-aanunsyo ng eksaktong iskedyul ng pagbabakuna “sa sandaling available na ang mga bakunang Covid-19 na angkop para sa edad 5 hanggang 11 at ang mga angkop na syringe nito,” ayon sa Department of Health.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.