San Pablo City: Idiniklarang Zero active case, zero positive

0
254

Walang aktibong kaso ng Covid-19 sa San Pablo City, ayon sa report ni San Pablo City Anti Covid-19 Incident Commander Dr. Mercydina Caponpon kay City Health Officer Dr. James Lee Ho ngayong hapon.

“Sa kabuuan po ng pandemic since last year, more than 8892 po ang naapektuhan, pero sa kabutihang palad po, ​​today, zero active cases na po dito sa San Pablo,” ayon kay Dr. Lee Ho. 

Sinabi niya na ang San Pablo City community ay patuloy na sumasailalim sa Covid-19 vaccination program ng pamahalaan na sumasakop sa 80 barangay ng buong populasyon ng nabanggit na lungsod.

Gayon din ay patuloy na nagpapaalala ang city health officer sa publiko na patuloy na sumunod sa public safety health protocols (PSHP).

National Vaccination Days Grand Raffle Draw. Ini-award ni Dr. James Lee Ho, City Health Officer at SPCGH Hospital Chief ang Grand Prize na Yamaha Mio i125 kay Grand Winner Rose Ann P. Meneses ng Brgy. Soledad, San Pablo City. Ang mapalad na nagwagi ay nagpabakuna ng first dose at second dose sa SM City San Pablo Vaccination Facility.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.