Pagsisikap na mabakunahan ang 100% ng San Pableño: National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembe 1

0
281

Mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro upang makapagpabakuna sa San Pablo City vaccinations sites.

“Ang pagprotekta sa ating kalusugan sa pamamagitan ng pagbabakuna ay magdaragdag sa ating kumpiyansa na makalabas at makita ang ating mga mahal sa buhay ngayong Pasko, gayundin ang pagtiyak ng ligtas na pagbalik sa trabaho. Kaya’t hinihikayat namin ang lahat, lalo na ang aming lolo at lola, at ang aming mga mahal sa buhay na may mga kondisyong medikal na hindi pa nababakunahan, na samantalahin ang National Vaccination Days at magpabakuna na,” ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Kaugnay nito, nananawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na buhayin ang tradisyon ng bayanihan at makiisa sa “Bayanihan Bakunahan: Ligtas. Lakas, Buong Pinas,” ng isasagawang National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Ang idineklarang National Vaccination Days ay isang malawakang vaccination drive na may layuning mabigyan ng bakuna  ang lahat ng Pilipino upang sila ay mabigyan ng ligtas at maligayang Pasko 2021.

Ayon sa mga report sa US, mahigit na 93% ng mga namatay sa COVID-19 ay kabilang sa mga hindi nabakunahan. Sa Pilipinas, 85% ng mga admission dahil sa COVID-19 ay hindi pa ganap na nabakunahan, ayon sa mga report ng mga ospital sa DOH Data Collect mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14.  Bukod dito, 93.4% ng namatay at nagkaroon ng malubhang pagkakasakit ay nangyari sa mga wala pang bakuna, ayon sa report na nakalap ng DOH.

Nananawagan din si Dr. Lee Ho sa publiko na suportahan ang National Vaccination Days sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kaibigan at pamilya na hindi pa nabakunahan na magparehistro para sa kanilang first dose.

Bagama’t pinapayagan ang walk-in lalo na para sa mga senior citizen at mga may comorbidities na taga San Pablo, hinihikayat ang pagpapa rehistro sa link na ito:
Teens and Adults:

tinyurl.com/sanpablo1stdose

Ang mga magpapabakuna ng first dose na taga San Pablo City ay may pagkakataong manalo ng Yamaha Motorcycle, 43 inch flat screen TV at maraming iba pang papremyo sa vaccinaton grand raffle daw na “Doble Panalo Ka! Protektado na May Special Prize Ka Pa.”

Para naman sa mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro dito:

Adults: tinyurl.com/spcvaccinationstep1

Teens: tinyurl.com/spcvaccteenstep1

Ang cut-off time ay 10:00 PM araw araw at ang confirmation email ay hanggang 12:00 ng madaling araw.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.