San Pablo City, nagtamasa ng bonggang media milleage

0
343

P’wede palang i-promote ang kariktan ng isang lungsod  kung  ang mga mamamahayag ang mismong  pupunta dito. Hindi na pala kailangang gumastos ang pamahalaan upang mag papogi sa kung saan saang okasyon at kaganapan para ipakilala ang San Pablo at ang marangal na kultura ng mamamayan nito.

Ang  pagdalaw at pag kober dito nina Dennis Datu ng ABSCBN TV Patrol, Laila Chikadora ng TV5 at iba pang mga taga national media ay pagpapatunay na sila mismo ay nabighani sa kagandahan at kaayusan ng San Pablo.

Naging kahanga-hanga ang naging coverage ng national media sa mga magaganda at may pakinabanag na mga kaganapan sa ating ciudad. 

Kung isasama pa ang mga ulat na ipinalabas ng local media at  social media ay masasabing sa unang pagkakataon ay ngayon lang tayo nakaranas ng ganitong kalakas at kahabang media mileage.

Ilan sa mga itinampok ng TV5 ang Winter Wonderland sa Paseo de San Pablo, ang makasaysayang Don Potenciano Malvar Mansion at ang Rizal Avenue na napapalamutian ng mga ilaw pamasko. Kasama din dito ang magandang pailaw ang sa historical na Mangga at fountain sa plaza.

Kaugnay nito, nais ko ring pasalamatan ang Unang Ginang ng San Pablo na si Gem Castillo na siyang nagsikap at naging inspirasyon sa paglalapat ng masaya at magandang pamaskong pailaw ang lungsod ngayon Pasko 2022.

Sana’y magpatuloy ang ganitong mga media activities upang hindi man natin malampasan ang ibang sikat na lungsod ay maging kapantay nila tayo sa kabantugan bilang torurist destination.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.