San Pablo City, nakapagbakuna ng 15,196 doses sa tatlong araw na NVD Part 2

0
393

San Pablo City, Laguna. Nakapagbakuna ng 15,196 na indibidwal ang lungsod na ito sa katatapos lang na ikalawang National Vaccination Days (NVD) noong Disyembre 15-17, 2021.

Sa kabila ng mga pag ulan na dulot ng bagyong si “Odette,” nalampasan ng nabanggit na lungsod ang 1,800 vaccinees kada araw na itinakda ng Department of Health (DOH).

Ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho, nagtakda ang DOH sa nabanggit na lungsod na hindi bababa sa 1,800 na indibidwal ang dapat mabakunahan kada araw sa loob ng tatlong araw na NVD Part 2.

“Magpapatuloy pa rin ang ating walang humpay na pagbabakuna upang makamit ang hangad na population protection o herd immunity laban sa bantang panganib ng iba’t ibang variants ng Covid. Sa atas po ni Mayor Amben Amante ay hindi po tayo titigil at lalong hindi magsasawang magsakripisyo para sa kaligtasan ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Dr. Lee Ho.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.