San Pablo City, nanguna sa Laguna sa laki ng populasyon na nabakunahan

0
248

San Pablo City.  Nagpapaalala si Mayor Amben Amante ng lungsod na ito sa kanyang mga kababayan na himukin ang mga kaanak, kaibigan, katrabaho at kapitbahay na maging protektado ngayong darating na Pasko at Bagong taon. “Ang pagpapa bakuna ang tanging paraan tungo sa ligtas na new normal,” ayon sa kanya.

Kaugnay nito ay muling nanguna sa Laguna ang San Pablo sa laki ng populasyon na nabakunahan sa rate na 59%.

Kagabi, Nobyembre 7, 2021, ay isang Covid positive lamang ang naitala ng San Pablo City Health office, 17 na nag positibo ang gumaling na at 58 na lamang ang nagpapagaling pa.

Ang mga bayan at lungsod sa Calabarzon na may pinakamaraming nabakuhan ay pinangunahan ng Tagaytay City sa rate na 100%. Sumunod ang  Mendez, 98%; Tanauan City, 84%; Noveleta, 63%; Imus City,  60%; San Pablo City, Laguna, 59%; Carmona, Cavite; Batangas City at Sto. Tomas,Batangas, 58%; Lipa City, 56% at Gen. Emilio Aguinaldo, 55%.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.