DA: Sapat ang suplay ng bigas para hanggang sa susunod na taon

0
198

Nakikitang lampas sa demand ng mga mamimili ang suplay ng bigas sa bansa at walang dahilan upang maglabas ang Department of Agriculture ng mga import clearance.

Sinabi ni Senator Imee Marcos, sa isang pahayag kanina, batay sa nakalap niyang datos, na walang pag-aangkat ng bigas na mangyayari hanggang sa susunod na taon.

“Rice imports will only push down farmgate prices of palay. Our farmers are doing a great job producing more than ample domestic supply,” dagdag niya.

Sinabi ni Marcos na ang inaasahang 5.13 milyong metric tons (MT) ng locally grown rice sa ikatlong quarter ay inaasahang lalampas sa domestic demand na 3.7 million MT.

Magbibigay din ang supply ng buffer stock na 1.43 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng buwan.

Sa ikaapat na quarter, ang lokal na suplay ng bigas ay maaaring umabot sa 6.24 milyon MT laban sa demand na 4.02 milyon MT, nangangahulugan ng panibagong 2.22 milyong MT ng buffer stock sa pagtatapos ng 2022, ani Marcos.

Sa pangkalahatan, ang kabuuang buffer stock na 3.65 milyong MT sa pagtatapos ng taon ay sasapat para sa 55 hanggang 60 araw.

Tiniyak ni Marcos na walang natitirang valid sanitary at phytosanitary import clearances upang bigyang-katwiran ang mas maraming importasyon ng bigas ngayong taon.

Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program na inihanda ng Department of Budget and Management, ang proposed budget allocation para sa National Rice Program ay dinoble mula PHP15.8 bilyon noong 2022 hanggang PHP30.5 bilyon noong 2023.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay gagamitin sa fertilizer support, mechanization and post-harvest facilities, research and development, at iba pang safety nets para sa mga lokal na magsasaka ng palay.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo