Sarado ang lahat ng sementeryo at memorial parks sa Undas 2021

0
228

Maynila. Isasara ang lahat ng sementeryo, memorial parks at columbaria sa buong bansa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Año, ang Inter Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpasa na ng resolusyon hinggil sa guidelines sa pagdiriwang ng Undas 2021 sa gitna ng epidemyang Covid-19.

Ayon sa guidelines, ang pagtanggap ng bisita ay limitado lamang sa sampung tao at ang mga venue ay 30% capacity lamang ang pinahihintulutan. Ganun pa man, ayon kay  Año, maaari itong itaas sa 50% kung papayagan ng kanilang pamahalaang lokal. Lahat ng bisita ay inaasahang mahigpit na susunod sa minimum public health standard upang maiwasan ang hawahan.

Ang mga patakarang ito ay ipatutupad ng Philippine National Police, local government units hanggang sa mga barangay officials, ayon sa guidelines.

Ang mga LGU ay nararapat ding magpasa ng mga ordinansa o executive order hinggil sa pagpapatupad ng mga hakbanging para sa ligtas ng Undas.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.