Sasagutin ng PCSO ang doctor’s professional fee ng mga pasyente sa ospital

0
175

MAYNILA. Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sasagutin na nila ang bayad sa doktor ng mga pasyenteng naka-confine sa mga ospital, simula sa katapusan ng Oktubre ngayong taon.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni Speaker Ferdinand Romualdez kay PCSO General Manager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr. noong Miyerkules.

“Nagpapasalamat tayo dito sa ating GM ng PCSO at sinagot niya po ang hinaing ng ating health care professionals lalo na dito sa isyu ng professional fees,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Robles, ang coverage para sa professional fees ay magsisimula sa pagtatapos ng Oktubre upang mabawasan ang pinansyal na pasanin ng mga maysakit na naka-confine sa mga ospital. “All medical practitioners will (then) be covered by the government under the auspices of the charity agency under the auspices of the PCSO so that health care will be totally free,” aniya.

Dagdag pa ni Romualdez, malapit ng maisakatuparan ang pangarap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng libreng pagpapaospital para sa lahat ng Pilipino. “Libre ang health care para sa lahat ng Pilipino, ‘yun po ang ating nais, at ‘yun po ang sinabi ng ating Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr.,” diin ni Romualdez.

Ang bagong hakbang na ito ay inaasahang magbibigay ng malaking ginhawa sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal sa buong bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo