Scholarship assistance, ipinamahagi sa kaarawan ni Kon. Jayson Cuento

0
699

Sta. Maria, Laguna. Namahagi ng scholarship sa humigit kumulang na 600 estudyante si Municipal Councilor Jasony Cuento sa kanyang kaarawan kanina sa Cuento’s Farm sa Brgy. Cabouan, bayang ito kahapon, Disyembre 1, 2021.

Ang nabanggit na scholarship grant ay bahagi ng Serbisyong Walang Hangganan (SWH) na may temang Kabataan “Sinag ng Pag-asa sa Gitna ng Pandemya,” ayon kay Cuento.

Ayon sa panayam sa konsehal, itutuloy niya ang mga programa partikular sa edukasyon gayon din ang imprastraktura, kalusugan, pagpapalakas ng turismo at sa peace and order.

Binigyan diin din ni Cuento na hindi siya nakikipag paligsahan sa pagbibigay ng scholarship assistance sa kung kanino man dahil ang pondo sa ibinibigay niyang allowance sa mga estudyante ay galing sa sarili niyang bulsa.

“Sa susunod na taon po ay maglalaan tayo ng pondong Php 4.8M para sa scholarship program ng ating bayan. Nararapat nating palakasin ang kapasidad ng kabataan sa edukasyon sapagkat ito po ang pag asa upang maputol ang cycle ng kahirapan,” ayon kay Cuento.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.