CEBU CITY — Patuloy ang search and rescue operations matapos ang pagguho ng lupa sa isang landfill site sa Barangay Binaliw, Cebu City nitong Huwebes ng hapon, ayon kay Cebu City Mayor Nestor Archival.
Batay sa ulat, tinabunan ng landslide ang isang istruktura sa loob ng landfill site, pati na rin ang ilang kagamitan at sasakyan na naroon sa lugar.
Nasira rin ang administrative office ng landfill dahil sa insidente.
Ayon kay Archival, may mga paunang ulat na nagsasabing may mga taong posibleng na-trap sa ilalim ng gumuhong lupa.
Agad namang rumesponde ang mga medical assistance team at emergency responders upang suportahan ang patuloy na search and rescue operations sa lugar, dagdag ng alkalde.
“I am closely monitoring the situation and will be heading to the Binaliw landfill as soon as possible to personally check the situation and coordinate further actions,” pahayag ni Archival sa halo ng Ingles at Cebuano.
Hinimok din ng alkalde ang publiko na manatiling kalmado at umiwas muna sa apektadong lugar upang hindi maabala ang operasyon ng mga rumespondeng awtoridad.
“We ask the public to remain calm and please avoid the area first so that our responders can respond appropriately,” dagdag pa niya.
Tiniyak ni Archival na ang mga opisyal at beripikadong update hinggil sa insidente ay ilalabas lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng lokal na pamahalaan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





