Search for Idol ng Kapitolyo ni Pabluy aarangkada na

0
267

San Pablo City, Laguna. Isasagawa sa ikalawang pagkakataon ang timpalak para sa Idol ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo City. Ang paligsahang ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Civil Service Month na ginaganap kada Setyembre.

Magtatagisan sa pag-awit, pagsayaw at magpapamalas ng taglay na talento ang mga kalahok na mga opisyales at kawani ng pamahalaan upang maitanghal ang SPC-LGU Idol Season 2.

Gaganapin ang elimination at semi-final round bago ang final round kung saan ay pipiliin ang magiging idolo ng taong 2022.

Pamamahalaan ng City Human Resource Office sa pakikipagtulungan ng City Information Office pamamahala at pagsasagawa ng nabanggit na kasiyahan.

May malalaking papremyong naghihintay sa mga magwawagi sa final samantalang makakatanggap naman ng consolation prizes ang mga hindi papalarin.

Ang mga premyo ay magmumula sa kagandahang loob nina Mayor Vic Belen Amante, First Lady Gem Castillo  at kanilang mga kaibigan.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.