Sec. Galvez: Kailangan nating hanapin at bakunahan ang mga hindi pa nababakunahan

0
216

NTF: I-activate ang manpower resources sa gitna ng banta ng Omicron

Pinaalalahanan ni National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. ang mga LGU na kailangan nilang abutin ang hindi bababa sa 70 porsiyento hanggang 100 porsiyento ng kanilang vaccination coverage.

“We need to revisit the realities that our people’s protection should be further expanded and enhanced through the administration of boosters,” he said.

Sinabi ni Galvez na ang mga rehiyong umabot na sa 70 porsiyento ng kanilang kabuuang populasyon ay dapat pataasin ang kanilang booster vaccination.

Kabilang sa mga lugar na ito ang 17 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region; mga lungsod ng Angeles, Mabalacat, Meycauayan, San Fernando, San Jose Del Monte, Bataan, at Tarlac sa Central Luzon; mga lungsod ng Antipolo, Batangas, Cabuyao, General Trias, Imus, Lipa, San Pablo, Sto. Tomas, Tagaytay, Tanauan, Trece Martires, at Cavite sa Calabarzon; mga lungsod ng Baguio, Laoag Vigan, Dagupan, Urdaneta, San Fernando, Tuguegarao, Santiago, Cauayan, at Legazpi sa Luzon; mga lungsod ng Roxas, Bacolod, Iloilo, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Minglanilla Tabiliran, Dumaguete, Ormoc, at Tacloban sa Visayas; mga lungsod ng  Zamboanga, Dipolog, Cagayan de Oro, Davao, Kidapawan, Butuan, Ozamiz bayan ng Ipil sa Mindanao. 

“We need to find and vaccinate the unvaccinated,” ayon kay Galvez

Sinabi nito na kailangang i-activate ang mga manpower resources sa gitna ng banta ng highly transmissible Omicron variant sa bansa.

Sinabi ni Galvez, sa prerecorded Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules, na dapat magtatag ang gobyerno ng pangmatagalang strategic response laban sa umiiral na pandemya.

Ang gobyerno, aniya, ay dapat na maghanda ng mas mataas na kapasidad ng COVID-19 bed sa mga ospital at sapat na manpower.

“With the increase of cases of Omicron, we need to activate our manpower resources with the DOH emergency hiring and the mobilization of medical students, and armed services, medical auxiliaries from the Armed Forces of the Philippines, the PNP (Philippine National Police), the PCG (Philippine Coast Guard), and the Bureau of Fire,” ayon kay Gavez.

Sinabi ni Galvez na ang NTF ay may pinalakas na koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa aktibong mobilisasyon ng mga doktor at nars ng militar upang dagdagan ang mga serbisyong pangkalusugan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.