Bumisita si Senador Richard J. Gordon sa San Pablo City, Laguna kahapon at nagsagawa ng isang people’s forum. Masaya siyang sinalubong ng mga panauhin habang sumisigaw ng “Wow Dick! Ipasok si Dick sa senado!”
Hinarap ng chairman ng Red Cross ang mga barangay chairman at mga dating chairman at media sa isang pagpupulong na pinangunahan ni dating San Pablo City Mayor Vic Amante sa Paseo de San Pablo, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lungsod.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gordon na ang Laguna partikular ang San Pablo City ay may malaki pang potensyal sa pag unlad sa larangan ng turismo.
Binigyan diin din ni Gordon na hindi dapat nangingibang bansa ang mga Pilipino upang bumuhay ng pamilya. “Kailangan ay magpunyagi ang mga lider para sa tunay na kaunlaran upang hindi na natin kailangang mangibang bansa para bumuhay ng pamilya at magpaaral ng mga anak. Tuwing ang isang Pilipino ay pumunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay, tayo ay nabibigo,” ayon sa kanya.
“Patuloy nating ibibigay ang tapat na paglilingkod sa sambayanang Pilipino, dahil karapat-dapat silang tingalain at tularan ng ating mga susunod na henerasyon,” dagdag pa niya.
Si Gordon, isang kilalang nakikipaglaban sa corruption sa gobyerno, ay muling kumakandidato sa senate slate ni Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan.
Nangako si Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na patuloy na labanan ang katiwalian at kawalan ng kakayahan sa gobyerno kung siya ay muling mahalal.
Kaugnay nito, inindorso ni dating Mayor Amante ang Leni-Kiko tandem sa nabanggit na kaganapan.
Si Amante ay muling lumalaban sa mayoralty race sa nabanggit na lungsod kasama ang incumbent na vice mayor na si Justic Colago at mga konsehal na sina Carmela Acebedo, Martin Gel Adriano, Ambo Amante, Tibor Amante, Francis Calatraba, Ed de la Cruz, Buhay Espiritu, Richard Pavico, Cesarito Ticzon, Angie Yang at Dandi Medina (Independent) bilang guest candidate.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.