Senado magkakaroon ng ‘conscience vote’ hinggil sa divorce bill

0
126

MAYNILA. Siniguro ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.

Wala rin aniya siyang balak na diinan o diktahan ang mga senador para paboran o tutulan ang panukala.

Subalit kung si Escudero ang tatanungin, hindi diborsyo kundi mas gusto niyang palawakin at gawing abot-kaya at accessible ang annulment sa ilalim ng family code.

Pinuna naman ng Senate President ang boto sa inaprubahang divorce bill sa Kamara na noong una ay 126 ang pabor, 109 ang tutol at 20 ang abstain,subalit kina­launan ay itinama na ang bilang sa 131 ang pabor at pareho pa rin ang numero ng tutol at abstain.

Subalit maaari naman anya itong gawing basehan ng mga anti-divorce na kongresista para ­kwestyunin ang pagkakapasa ng naturang panukala.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.