MAYNILA. Bumoto ang Senado nitong Lunes ng gabi, Hunyo 9, para ipasa sa committee on rules ang verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Inihain ni Senador Joel Villanueva ang mosyon matapos magpulong ang mga senador sa panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, kasabay ng suspensyon ng sesyon.
Sinegundahan naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mosyon bilang presiding officer ng impeachment court.
Tinanong ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung ang panunumpa ng mga senador bilang senator-judges ay nangangahulugan na magko-convene na ito bilang impeachment court.
Muli namang sinuspinde ng mga senador ang sesyon para talakayin pa ang nasabing usapin.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.