MAYNILA — Inaprubahan ng Senado ang isang resolusyon na humihikayat sa International Criminal Court (ICC) na bigyan ng house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa botong 15 pabor, 3 tutol at 2 abstain, naipasa ang Senate Resolution 144 na inihain ni Sen. Alan Peter Cayetano. Kabilang sa mga bumoto ng “No” sina Sen. Risa Hontiveros, Bam Aquino, at Kiko Pangilinan, habang nag-abstain sina Senate President Tito Sotto at Sen. Raffy Tulfo.
Ayon sa resolusyon, hinihikayat ang ICC na isailalim sa house arrest si Duterte dahil sa humanitarian reason at dahil sa kanyang edad. Nakasaad din dito na dapat magtalaga ng doktor o medical professional upang suriin kung kakayanin pa ng dating pangulo ang pananatili sa bilangguan.
Sakaling lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang patuloy na pagkakapiit ni Duterte ay nagpapalala sa kanyang kondisyon medikal, hinikayat ng Senado na sumailalim siya sa house arrest.
“Such arrest, or a similar appropriate arrangement, will be subject to conditions restricting liberty to be imposed by the ICC, presenting no risk to the integrity of the ongoing trial,” nakasaad sa resolusyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





