Comelec, inanyayahan ang mga senate bets na dumalo sa mga election debates

0
48

MAYNILA. Nagplano ang Commission on Elections (Comelec) na maglabas ng resolusyon na maghihikayat sa mga senatorial candidate na dumalo sa mga debate na inorganisa ng mga media organizations at iba pang grupo upang matiyak ang pantay na exposure para sa 66 na kandidato sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang layunin nila ay hindi magsagawa ng debate kundi tiyakin na magiging patas at makatarungan ang pagdalo ng lahat ng kandidato.

“Willing kami na mag-isyu ng kahit anong resolusyon masigurado lang na pantay-pantay ang oportunidad para sa mga kandidato anuman ang partido o walang partido– basta dapat mayroong equal opportunity na makipadebate,” ani Garcia.

Ipinagbigay-alam din ng Comelec na kinakailangang sumunod ang mga kandidato sa mga guidelines na ipalalabas ng komisyon, at may mga parusa para sa hindi pagsunod sa kanilang mga patakaran.

Hinimok din ni Garcia ang mga media outfits na tiyakin na ang mga kandidato ay lalahok sa mga debate, kung magpaplano silang magsagawa o mag-organisa ng mga debate para sa senatorial bets sa 2025 elections.

Noong 2022, nanawagan si Garcia sa Kongreso na magpasa ng batas na nag-uutos sa mga kandidato sa pagkapangulo na dumalo sa mga debate tuwing halalan at magtakda ng mga parusa para sa mga debate skippers.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.