Senate Bill No. 2395 laban sa digital thieves, inaasahang ipapasa sa Kongreso

0
430

Sa layuning hadlangan ang mga cyber criminal gamit ang pinakabagong mga gadget sa paghahanap ng mga bagong paraan para magnakaw ng pera sa pamamagitan ng pag-access sa mga detalye ng bangko gamit ang mga mobile phone, sinabi ni Senador Win Gatchalian na ihahabol niya ang pagsasama ng digital subscriber identity module (SIM) sa panukalang SIM Card Registration Act. 

“We have to keep up with the latest trends in technology and one of which is the emergence of eSIM, a digital SIM card that works the same way as a traditional or physical SIM card,” ayon kay Gatchalian, co-author of Senate Bill No. 2395. Mabilis mag-upgrade ang mga mobile devices at habang nagiging mas moderno ang mga ganitong instrumento ng mga scammers, nagiging mas malikhain din sila sa pagsasagawa ng mga modus nila. Kaya dapat isaalang-alang nating maisama ito sa panukalang batas na pagpaparehistro ng SIM cards,” ayon sa kanya.

Ang eSIM o naka-embed na module ng pagkakakilanlan ng subscriber ay isang digital SIM na direktang naka-embed sa isang device gaya ng mga smartphone, tablet at laptop at maaaring ikonekta ng user sa anumang operator o network provider.

Ang eSIM ay hindi pa kasama sa bersyon ng Senado ng panukalang SIM card registration bill dahil saklaw lamang ng panukala ang tradisyonal na SIM card o ang chip na pisikal na naka-install o tinanggal sa loob ng mga mobile phone. “Napakabilis magbago ng technology. We can include the eSIM for registration para walang kawala ang mga kawatan na nanloloko ng mga kababayan natin. Whether it’s physical or electronic SIM, dapat i-register,” ayon sa senador.

Umaasa ang senador na maipapasa ng Senado ang bersyon nito sa ikatlong pagbasa sa susunod na taon at mapagkasunduan ito sa bersyon ng kamara bago matapos ang kasalukuyang 18th Congress para maipatupad ito sa susunod na taon. 

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo