Senate probe sa mga inirereklamong electric coop itatakda; mga dati at kasalukuyang executives ipatatawag

0
224

Palalawakin sa itatakdang imbestigasyon ng Senado ang mga electric interruptions sa mga lalawigan at ipapatawag ang mga dating opisyal ng Department of Energy (DOE), local government units, at electric cooperatives.

Sa isang press briefing, sinabi ni Senator Raffy Tulfo, chair ng Energy committee, na mas maraming electric consumers ang tumatawag sa kanilang opisina ilang araw matapos ipahayag na magkakaroon ng probe dahil sa matagal ng pagkawala ng kuryente.

Kinumpirma ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi, na ang mga lokal na opisyal mula sa gobernador hanggang sa alkalde, at mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) ay kabilang sa mga iimbitahan sa mga pagdinig.

Hihilingin niya sa mga opisyal ng ERC na magsumite ng performance evaluation ng lahat ng electric cooperatives sa buong bansa at maghanda ng kaukulang parusa.

Binanggit niya na sa isang maikling pakikipag-usap kamakailan sa mga opisyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco), napansin niyang sinisisi nila ang mga opisyal ng gobyerno.

Ang power interruptions, ayon sa senador, ay nangyari mula 10 hanggang 12 oras habang patuloy na tumataas ang singil sa kuryente at dumoble ang sweldo at allowance ng mga opisyal ng Ormeco.

Sinabi ni Tulfo na irerekomenda niya na bago ang pagbibigay ng prangkisa ng kuryente ng National Electrification Administration, ang mga aplikante ay dapat pumasa sa mga technical concerns, bukod sa mga financial at legal requirements.

Sinabi ni Tulfo na hindi siya magdadalawang isip na irekomenda ang pagkansela ng prangkisa ng mga tiwaling electric cooperatives. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.