Senator Mark Villar bumisita sa San Pablo City

0
446

San Pablo City, Laguna. Bumisita si Senator Mark Villar sa lungsod na ito sa Laguna sa pakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry Region 4A (DTI 4A) at Department of Trade and Industry Laguna Provincial Office (DTI Laguna) , noong Pebrero 3, 2023, upang magsagawa ng isang panayam sa dalawang micro enterprise na itinampok sa kanyang vlog series na pinamagatang “#MarKabuhayan with Sen. Mark Villar”.

Ang kanyang vlog series na #MarKabuhayan ay naglalayon na tumulong sa pagsulong ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga produkto.

Pinangunahan ng DTI Laguna at ng Office of Senator Mark Villar team ang site visit at isinagawa ang video shooting at dokumentasyon ng dalawang kinilalang Laguna micro entrepreneurs na itatampok sa mga susunod na episode ng #MarKabuhayan vlog series. Sina Aldrin Chumacera ng Brgy. Santa Elena at Agnes Bicomong ng Brgy. San Cristobal, ay kinapanayam tungkol sa kwento ng kanilang mga negosyo kabilang ang kanilang mga proseso sa negosyo.

Ang Macapuno Balls ni Chumacera at ang Coco-Turmeric tea ni Bicomong ay kabilang sa dalawang produkto na itatampok at ipapalabas sa https://www.youtube.com/@markvillar9123. Tampok din sa mga nakaraang episode ng #MarKabuhayan vlog series ang mga food delicacies mula sa Iloilo at Pampanga.

Sa pagbisita noong Pebrero 3, itinaguyod ng Office of Senator Mark Villar ang dalawang MSME na ito sa pagkuha ng kanilang DTI Business Name certificates. Gayundin, binigyan sila ni Senator Mark Villar ng mga kagamitan/makina na magagamit upang palakasin ang kanilang produksyon at matulungan sila sa pagpapabuti ng kanilang mga negosyo.

Dumalo sa espesyal na pagbisitang ito ni Senator Mark Villar sina San Pablo City Mayor Vicente B. Amante, DTI 4A OIC Regional Director Marissa Argente at DTI Laguna OIC Provincial Director Christian Ted Tungohan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.