Senior citizen, arestado sa pagbebenta ng illegal firearm

0
322

San Pablo City, Laguna. Inaresto ang isang senior citizen sa Brgy. San Vicente,lungsod na ito sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o anti-illegal firearms law sa isang buy-bust operations, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz kamakailan.

Kinilala ni Campo ang suspek na Rolando Robles, 68 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Pury, San Antonio, Quezon.

Ang buy-bust operations laban illegal firearms and ammunition ay isinagawa ng Intelligence Operatives ng Provincial Intelligence Unit sa ilalim ng pamamahala ni PLTCOL Arnold O. Moleta noong Disyembre 30,2021.

Nakuha sa suspek ang isang Smith and Wesson caliber 9mm na may serial number na JRI2010 MOO908, dalawang 9mm caliber 9mm magazine assembly, 13 piraso ng kalibre 9mm na mga bala, isang isang libong pisong papel at 24 na piraso ng tig-iisang libong pisong boodle money.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pablo City Police Station.

Ayon kay PCOL Campo, “ang suspek na si  Rolando Robles isang kilalang nagbebenta ng illegal firearms sa Brgy. San Vicente, San Pablo City, Laguna.” Kasalukuyang isinasagawa ang mga kaukulang pagsisiyasat upang alamin kung sino ang supplier at mga naging kliyente nito.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.