Sentensya ng election day killer sa Batangas, kinumpirma ng CA

0
201

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol sa isang lalaki na napatunayang guilty sa Batangas court sa pananaksak at pagpatay sa kanyang kapitbahay sa isang inuman noong gabi ng 2016 national elections.

Pinagtibay ng CA kay Dante Aguilar ang hanggang 12 taong pagkakulong para sa homicide na ipinataw ng Batangas Regional Trial Court Branch 04 noong 2019 para sa pagkamatay ni Roger Medrano noong Mayo 9, 2016.

Ang 13-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Ronaldo Martin na may petsang Pebrero 2 at inilathala online noong Martes ay nag-utos din kay Aguilar na magbayad ng PHP156,500 bilang civil at moral damages at para sa mga gastusin sa libing ng pamilya.

Si Medrano, isang tricycle driver, ay lasing na nang painumin si Aguilar sa Sitio Alikabog, Bauan matapos itong magwala sa polling precinct dahil wala ang kanyang pangalan sa voters’ list.

Sa kalagitnaan ng inuman, sinimulan ng biktima na sisihin si Aguilar sa dahilan ng pagkawala ng kanyang pangalan.

Iginiit ni Aguilar na ang biktima ang bumunot ng kutsilyo at inatake siya ngunit nagawa niyang makontrol ang armas.

Inamin niyang siya rin ay lasing na at hindi na niya maalala ang nangyari pagkatapos.

Lumabas sa medical examination na nagtamo ng maraming saksak sa dibdib ang biktima at idineklara itong dead on arrival sa Bauan General Hospital.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo