Shabu at baril, nasabat ng Quezon PNP

0
254

Atimonan, Quezon.  Naharang ng mgatauhan ng Atimonan Municapal Police Station ang P170,000 na halaga ng hinihinalang shabu at mga baril sa dalawang suspek na pinaniniwalaang mga drug pusher sa bayang ito.

Ang mga suspek na inaresto kamakailan na natiktitikan na mga supplier ng shabu sa kanilang lugar ay kinilalang sina alyas Ferdinand, 38, at alyas Arboy, 31.

Narekober sa kanila ang  P170,000 na halaga ng shabu at mga kalibre .45 at 9 mm na baril at mga bala.

Ayon sa report, matagal nang minamatyagan ng mga operatiba ang dalawang suspek na pinaniniwalaang  sangkot sa bentahan ng ilegal na droga hanggang sa Barangay Malinao Ilaya at iba pang mga kalapit-barangay.

Inaalam ng mga awtoridad kung bahagi sila ng isang big-time drug group na nag-o-operate sa lalawigan Nakatakda silang kasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Omnibus Election Code.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.