Shear line, Amihan at easterlies magpapa-ulan sa buong kapuluan

0
353

MAYNILA — Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magpapatuloy ang pag-ulan at maulap na kalangitan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Lunes, Enero 5, 2026, dulot ng shear line na patuloy na nakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang shear line sa pagitan ng magkaibang hangin ay nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at sa Visayas, na nagdudulot ng makulimlim na kalangitan na may pag-ulan at isolated thunderstorms. Ayon sa PAGASA, may posibilidad ng flash flood at landslide sa ilang lalawigan, partikular sa Bicol Region, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

Dahil sa shear line, inaasahan din ang tuloy-tuloy pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas. Ang forecast ng PAGASA ay nagpapakita ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at thunderstorms na may kasamang malakas na hangin sa mga lalawigan tulad ng Palawan, Capiz, Aklan, at Negros Occidental.

Kasabay nito, ang Northeast Monsoon (Amihan) ay nakakaapekto sa ibang bahagi ng Luzon, na nagdadala ng maulap na kalangitan na may kaunting pag-ulan sa mga rehiyon tulad ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Laguna, at Batangas. Sa Metro Manila at karatig na lugar, inaasahan ang partly cloudy hanggang cloudy na kalangitan na may isolated light rains.

Sa Mindanao, ang easterlies ay nagdudulot ng maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms sa mga rehiyon tulad ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng flash flood at landslide, lalo na sa mga low-lying at flood-prone na lugar.

Ayon sa PAGASA, walang aktibong tropical cyclone o low-pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa ngayon, kaya’t ang kasalukuyang pag-ulan ay pangunahing dulot ng shear line, amihan, at easterlies.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga weather advisory at posibleng panganib. Maaaring makaranas ang mga baybaying-dagat ng moderate hanggang rough seas, lalo na sa silangang baybayin, dahil sa umiiral na hangin.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo