Shear line at ‘amihan’ magdadala ng pag ulan sa kalakhan ng PH

0
303

Ang kalakhang bahagi ng bansa ay makararanas ng mga pag ulan mula kahapon, huling Lunes ng 2021 dahil sa two weather systems.

Ayon sa 4 am weather bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang shear line ay nakakaapekto sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Aurora, Aklan, Capiz, Davao de Oro, at Davao Oriental, na nagdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga lugar na ito.

Samantala, ang northeast monsoon o “amihan” ay magdadala ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Ang Rehiyon ng Ilocos ay makakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan dahil sa shear line o localized thunderstorms.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iihip sa Luzon, Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao na may katamtaman hanggang sa maalon na tubig sa baybayin habang mahina hanggang sa katamtamang hangin patungo sa hilagang-silangan ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Ang pinakamababang temperatura ay 22.6 °C at ang pinakamataas na temperatura ay 30 °C.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo