Shooting incident sa loob ng Ateneo de Manila University, iniulat

0
424

Kinumpirma ni Quezon City Police Department Director Brigadier General Remus Medina na hindi bababa sa dalawang tao ang patay matapos ang pamamaril sa graduation ceremony ng Ateneo de Manila University kanina, Hulyo 24, bandang alas dos ng hapon.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Quezon City Police Department Director Brigadier General Remus Medina na hindi bababa sa dalawang indibidwal ang kumpirmadong namatay, kabilang ang isang security guard at isang hindi pa nakikilalang lalaki na ang bangkay ay nasa Ateneo campus pa. Hindi bababa sa tatlo pa ang nasugatan.

Ang suspek ay nahuli ng mga pulis sa kahabaan ng Aurora Boulevard, ayon sa mga pulis.

Kinansela ang graduation rites ng Ateneo Law School na nakatakdang ganapin sana kaninang alas-4 ng hapon. Kasalukuyang nasa lugar ng insidente ang Philippine National Police.

Ang unibersidad ay inilagay sa lockdown.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka, si Chief Justice Alexander Gesmundo ang dapat na guest speaker, at nasa biyahe pa siya nang mangyari ang pamamaril. Siya ay pinayuhan na bumalik na upang maging ligtas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.