Siargao surfer, unang Pinoy na sasabak sa world series

0
870

Lalaban sa mga nangungunang propesyonal na surfers mula sa iba’t ibang bansa sa 2023 WSL CS si John Mark Tokong, na kilala sa bansag  na “Marama, ”ayon sa statement ng United Philippine Surfing Association (UPSA) kahapon.

Si Tokong na tubong Siargao Island ng Surigao del Norte province ay ang unang Filipino surfer na kwalipikado sa 2023 World Surf League Challenger Series (2023 WSL CS).

Ang Event No. 1 ng 2023 WSL CS ay gaganapin mula Mayo 1 hanggang 13 sa Gold Coast, Queensland, Australia habang ang Event No. 2 ay mula Mayo 17 hanggang 24 sa Sydney.

“The surfers who are part of this top tier league will then compete for points to join the world’s surfing elite, which is the World Surf League Championship Tour,” ayon sa UPSA.

Ang WSL championship tour ay nakatakda sa Hunyo ng taong ito.

Nagwagi si Tokong sa 2023 White Buffalo Hyuga Pro tourney, isang event sa WSL Qualifying Series 3000 na ginanap sa Okuragahama Beach sa Japan mula Marso 2 hanggang 5 ngayong taon.

Siya ay kasalukuyang ranked No. 4 sa WSL Asia Regional Ranking na may 5,890 puntos sa anim na events sa 20 heats at may maximum heat score na 12.95.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo