Signal No. 1 itinaas sa ilang bahagi ng Surigao del Sur habang bumibilis ang TD Basyang

0
456

Calauan City — Itinaas ang Signal No. 1 sa timog na bahagi ng Surigao del Sur habang patuloy na bumibilis ang paggalaw ng Tropical Depression Basyang patungong west-southwest nitong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Sa 5:00 a.m. cyclone bulletin ng ahensya, sakop ng tropical cyclone wind signal ang mga bayan ng Cagwait, Marihatag, San Agustin, Barobo, Tagbina, Hinatuan, City of Bislig, Lingig, at Lianga.

Ayon sa PAGASA, maaaring maranasan sa mga nasabing lugar ang hangin na may bilis na 39–61 kilometers per hour sa loob ng hindi bababa sa 36 oras, gayundin ang paminsan-minsang pag-ulan sa parehong panahon.

Inaasahang lalakas pa ang Basyang habang nasa Philippine Sea at maaaring umabot sa kategoryang tropical storm sa loob ng araw. Gayunman, matapos ang unang pag-landfall, inaasahan itong hihina at muling magiging Tropical Depression bago tuluyang ma-downgrade bilang low pressure area pagsapit ng Lunes, Pebrero 9.

Huling namataan ang sentro ng Basyang sa layong humigit-kumulang 895 kilometro sa silangan ng Northeastern Mindanao, kumikilos pa-west-southwestward sa bilis na 20 km/h, na may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at gustiness na umaabot sa 70 km/h.

Sinabi ng PAGASA na ang pinakamataas na Wind Signal No. 2 ang posibleng itaas sa kabuuan ng pagdaan ng bagyo.

Batay sa forecast track, patuloy na kikilos ang Basyang pa-west-southwestward hanggang Huwebes bago ito lumihis pa-west-northwestward simula Biyernes ng umaga. Inaasahang magla-landfall ito sa silangang bahagi ng Mindanao mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga, tatawid sa Northeastern Mindanao at Central at Western Visayas, at lalabas sa Sulu Sea pagsapit ng Sabado ng umaga.

Dagdag pa ng ahensya, tatawid ang Basyang sa hilagang bahagi ng Palawan pagsapit ng Sabado ng hapon bago muling lumabas sa West Philippine Sea.

Samantala, isinuspinde ang mga klase sa bayan ng Amlan, Negros Oriental nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Basyang.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo