Signal no. 1 pa rin sa 8 lugar dahil sa Bagyong Amang

0
751

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa walong lugar sa bansa sa gitna ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Amang sa Camarines Norte.

Naitala ang sentro ng mata ng bagyong Amang sa Vinzons, Camarines Norte na may bitbit na maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa sentro, at bugsong aabot sa 55 km/h, habang binabagtas ang west northwestward sa bilis na 10 km/h.

Nakataas ang signal no. 1 sa:

  • Camarines Norte
  • northwestern portion of Camarines Sur (Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Lupi, Ragay, Del Gallego)
  • eastern portion ng Laguna (Cavinti, Kalayaan, Paete, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Lumban, Pakil, Mabitac)
  • northern at eastern portions ng Quezon (Calauag, Infanta, Lopez, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban,
  • General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Guinayangan) including Polillo Islands
  • eastern portion ng Rizal (Tanay, Rodriguez)
  • eastern portion ng Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad)
  • eastern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, General Tinio)
  • central at southern portions ng Aurora (Dingalan, Baler, Maria Aurora, San Luis, Dipaculao)

Inaasahan na malulusaw si Amang at magiging low pressure area na lamang ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo