Signal No. 2, itinaas sa 8 lugar sa Luzon habang papalapit si Crising sa Cagayan at Babuyan

0
736

MAYNILA. Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa walong lugar sa Luzon habang inaasahang magla-landfall ang Bagyong Crising sa Cagayan o Babuyan Islands sa hapon o gabi ng Biyernes.

Sa 8 a.m. bulletin nito, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng Signal No. 2:

  • Batanes
  • Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands
  • Hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Palanan, Ilagan City, Divilacan, Delfin Albano, Quezon, Tumauini, Maconacon, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue)
  • Apayao
  • Hilagang bahagi ng Kalinga (Tabuk City, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
  • Hilagang bahagi ng Abra (Malibcong, Lacub, Lagangilang, Licuan-Baay, Danglas, Lagayan, San Juan, Tineg, La Paz, Dolores)
  • Ilocos Norte
  • Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait)

Samantala, nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang mga sumusunod:

  • Natitirang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Natitirang bahagi ng Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Natitirang bahagi ng Abra
  • Benguet
  • Natitirang bahagi ng Ilocos Sur
  • La Union
  • Hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, Alaminos City, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, Bugallon)
  • Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora)
  • Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan)

Ayon sa PAGASA, taglay ni Crising ang lakas ng hangin na 65 km/h malapit sa gitna, may pagbugso na aabot sa 80 km/h, at may sentral na presyur na 996 hPa.

Ang malalakas hanggang gale-force winds ng bagyo ay umaabot hanggang 500 km mula sa gitna.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

“Crising will move generally northwestward within the next 12 hours. On the forecast track, a landfall scenario over mainland Cagayan or Babuyan Islands this afternoon or evening is possible,” ayon sa PAGASA.

Pagkatapos ng landfall, inaasahan nitong tatawid sa Extreme Northern Luzon bago ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Sabado ng hapon.

Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa kategoryang severe tropical storm pagsapit ng Sabado ng umaga o hapon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.