Signal No. 3 si Karding sa northern at central portions ng Laguna

0
353

Nasa ilalim ng Signal No. 3 ang natitirang bahagi ng Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan, Metro Manila, at Rizal; northern and central portions of Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan); northern and central portions of Cavite (Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, City of General Trias, Trece Martires City, Naic, Indang); natitirang bahagi ng hilagang bahagi ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban); at ang hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga).

Suspendido ang klase sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya sa Lunes bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Super Typhoon Karding.

Ayon sa 2 p.m. weather bulletin ngayong araw, ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 ang Polillo Islands; dulong hilagang bahagi ng Quezon (ang hilaga at gitnang bahagi ng Heneral Nakar, ang hilagang-silangang bahagi ng Infanta); extreme southern portion of Aurora (Dingalan); silangang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray); at ang dulong timog-silangan na bahagi ng Nueva Ecija (ang timog-silangan na bahagi ng General Tinio) 

Ang hilagang bahagi ng Metro Manila (Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, at Quezon City); gitna at timog na bahagi ng Nueva Ecija (Gabaldon, ang natitirang bahagi ng General Tinio, Lungsod ng Gapan, Peñaranda); natitirang bahagi ng Bulacan at Pampanga; hilaga at gitnang bahagi ng Rizal (Rodriguez, Lungsod ng Antipolo, Tanay, San Mateo, Baras); timog-silangang bahagi ng Tarlac (La Paz, Concepcion); at ang matinding hilagang bahagi ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil) ay nasa ilalim ng Signal No. 4.

Maaaring magkaroon din ng power interruptions kaya kailangan ay fully charged ang mga gadgets, ayon sa paalala ng mga local government units.

Maaaring magkaroon din ng power interruptions kaya kailangan ay fully charged ang mga gadgets, ayon sa paalala ng mga local government units. 

Pinayuhan din ang mga residente na panatilihing nakasara ang lahat ng mga bintana, ilagay ang mga mahahalagang appliances at mga gamit sa mataas na lugar, i-secure ang mga papel na dokumento sa mga emergency kit, lumikas ng mahinahon kung kinakailangan, at mag-imbak ng mga delatang pagkain na ready to eat at tubig na inumin ng sasapat sa loob ng tatlong araw. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.