MAYNILA. Nananatiling nakataas ang Storm Signal No. 5 sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands ngayong Lunes ng umaga habang patuloy na nananatiling malakas ang Super Typhoon Nando (international name: Ragasa) at papalapit sa hilagang Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tropical cyclone bulletin kaninang alas singko ng umaga, iniulat ng PAGASA na ang mata ng bagyo ay tinatayang nasa 245 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay ni Nando ang maximum sustained winds na 205 kilometro kada oras malapit sa gitna, lakas ng hangin na umaabot sa 250 kilometro kada oras, at central pressure na 915 hectopascals. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras, at ang malalakas hanggang typhoon-force winds ay umaabot ng hanggang 600 kilometro mula sa gitna.
Itinaas ang mga sumusunod na tropical cyclone wind signals: Signal No. 5 sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Island, Didicas Island, Panuitan Island, Calayan Island); Signal No. 4 sa timog-silangang bahagi ng Batanes (Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang), nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, at hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana); Signal No. 3 sa nalalabing bahagi ng Batanes, hilaga at gitnang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Rizal, Amulung, Piat), hilaga at gitnang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao), at hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Norte (Carasi, Piddig, Vintar, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Nueva Era, Solsona, Dingras, Sarrat, Laoag City, San Nicolas, Currimao, Paoay, City of Batac, Marcos, Banna); Signal No. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, nalalabing bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang bahagi ng Benguet (Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan), hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at hilagang bahagi ng La Union (Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santol); at Signal No. 1 sa Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, at hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar) kabilang ang Polillo Islands.
Ayon sa PAGASA, posibleng tumama o dumaan malapit ang sentro ni Nando sa Babuyan Islands sa pagitan ng tanghali at maagang hapon ngayong Lunes. Inaasahan itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga, Setyembre 23. Posible rin umano na manatili o mas lumakas pa ang bagyo bago ito dumating sa Babuyan Islands.
Dagdag pa ng ahensya, ang southwest monsoon (Habagat) at ang trough ni Nando ay magdadala ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa Metro Manila, Central Luzon (mga lugar na wala sa wind signal), CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at Davao Region.
Nagbabala rin ang PAGASA ng “up to very rough, high, or very high seas” sa ilang karagatan, kabilang ang hanggang 14.0 metro sa seaboards ng Batanes at Babuyan Islands, hanggang 12.0 metro sa hilagang seaboard ng Ilocos Norte, hanggang 10.0 metro sa hilagang seaboard ng mainland Cagayan at natitirang seaboards ng Ilocos Norte, hanggang 8.0 metro sa hilagang-kanlurang seaboard ng Ilocos Sur at natitirang seaboard ng mainland Cagayan, hanggang 5.5 metro sa natitirang seaboard ng Ilocos Sur, seaboard ng Isabela, at kanlurang seaboard ng Pangasinan, at hanggang 5.0 metro sa hilagang-silangang seaboard ng Aurora at hilagang-kanlurang seaboard ng La Union.
Samantala, mahigpit na ipinayo na huwag pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat, kabilang ang motorbancas, lalo na kung walang sapat na kagamitan, dahil sa “up to rough seas” na posibleng maranasan sa seaboard ng Zambales, natitirang seaboards ng Aurora, hilaga at silangang seaboard ng Polillo Islands, natitirang seaboards ng La Union at Pangasinan, seaboards ng Bataan, Lubang Island at Camarines Norte, hilagang seaboard ng Camarines Sur, hilaga at silangang seaboards ng Catanduanes, hilagang-kanlurang seaboard ng Occidental Mindoro, at kanlurang seaboard ng Calamian Islands.
Dagdag pa rito, “up to moderate seas” na aabot sa 2.5 metro ang mararanasan sa eastern seaboards ng Albay at Sorsogon, natitirang seaboard ng Camarines Sur, hilaga at silangang seaboards ng Northern Samar at Eastern Samar, seaboards ng Kalayaan Islands at Palawan, natitirang seaboards ng Calamian Islands at Occidental Mindoro, timog seaboard ng Quezon at Marinduque, hilagang seaboard ng Romblon, at hilagang-kanlurang seaboard ng Burias Island.
Nagbabala rin ang PAGASA na mataas ang banta ng life-threatening storm surge na maaaring lumampas sa 3 metro sa susunod na 24 oras sa mabababang baybayin at exposed coastal areas ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





