SIM registration, pinahaba pa ng 90 araw

0
194

Pinahaba pa ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) ng 90 araw ang deadline ng SIM card registration matapos ang makipagpulong sii Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng DICT at kay Justice Secretary Crispin Remulla kahapon sa Malacanang.

Ngayong araw, Abril 26 sana ang deadline ng SIM card registration.

Ayon kay Remulla, pahahabai ang deadline upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na mag register ng kanilang SIM card.

Kaugnay nito, nagbabala si Remulla, sa mga hindi pa rin makakapag register ng ang kanilang sim number hanggang sa ibinigay na ekstensyon ay puputulan na ng koneksyon.

Nagpaalala si Remulla na samantalahin na ng mga phone users ang ekstensyon at kung hindi pa rin magagawa ay maaaring maputol ang kanilang access sa telepono at social media.

Iniulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na hanggang noong Abril 23, 2023, mahigit 82 milyong SIM ang nairehistro, na kumakatawan sa 49.31 porsiyento ng mahigit 168 milyong aktibong SIM sa bansa.

Mula sa 82 million re­gistered SIM, higit 37 million ang Globe subscribers, mahigit 39 million ang Smart subscribers at mahigit 5 million ang Dito subscri­bers.

Target ng DICT na mairehistro ang 70% ng mga aktibong SIM sa loob ng 90-araw na extension.

Ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act na nilagdaan ni Marcos noong Oktubre 10, 2022 ay naglalayong pigilan ang nakakaalarmang pagkalat ng mga spam message at scam sa pamamagitan ng short messaging services (SMS) o text sa bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo