Simbang Gabi, idadaos sa Paseo de San Pablo

0
787

San Pablo City, Laguna. Ipagdiriwang ang simbang gabi sa Paseo de San Pablo mula Disyembre 16 hanggang 24 sa ganap na 5:00 hanggang 6:00 ng hapon.

Ang “Misa del Gallo sa Paseo” ay binigyan ng pahintulot ni Bishop  Buenaventura M. Famadico, ang obispo ng San Pablo diocese.

Officiating priest ng banal na simbang gabi si Father Rizaldy Urgena, Parish Priest ng St. Francis of Assisi Parish San Pablo City.

Inaanyayahan ni Mayora Gem Castillo, may ari ng nabanggit na arcade, ang mga mananampalataya ng Diyosesis na ipagdiwang sa Paseo de San Pablo ang Simbang Gabi.

Ang Paseo de San Pablo ay isang pasyalan sa Brgy. San Jose, San Palo City na dinarayo ng marami dahil sa magagandang ilaw, mga palamuting pamasko at tutugin. Mabibili din dito ang sari saring pagkain at inumin na abot kaya ng bulsa. Bukas din ang bazaar nito kung saan ay mabibili ang mga damit at gamit sa murang halaga.

Ang Paseo de San Pablo ay isang “one stop center for fun” para sa buong pamilya at tropa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.