Simula na ng closed fishing season ng galunggong sa Northern Palawan

0
343

PUERTO PRINCESA, Palawan. Nagsimula na ang closed fishing season para sa galunggong sa Northern Palawan, ayon sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang masagang populasyon ng galunggong.

Sa ilalim ng Philippine Fisheries Code of 1988, ang closed fishing season ay nangangahulugan ng panahon kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng isang partikular na uri ng isda gamit ang mga tinukoy na kasangkapan sa pangingisda sa tiyak na mga lugar.

Ayon sa BFAR, mula pa noong ika-1 ng Nobyembre, hindi pinapayagan ang paggamit ng purse seine, ring net, at bag net sa conservation area ng galunggong sa hilagang-silangan ng Palawan.

Ang closed fishing season ay magpapatuloy hanggang Enero 31, 2024, upang matiyak ang proteksyon ng galunggong sa kanilang peak spawning season.

Mahigpit na ipinapaalala ng BFAR na ang pangingisda sa panahon ng closed season ay malinaw na labag sa batas at maaaring humantong sa mga seryosong parusa ayon sa Philippine Fisheries Code of 1988.

Layunin nito na mapanatili ang kalusugan ng mga yamang karagatan at maprotektahan ang mga pangunahing uri ng isda tulad ng galunggong para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.