Simula ng tag-ulan pormal nang idineklara ng PAGASA

0
182

MAYNILA. Nagpapakita ng pagsisimula ng rainy season ang sunud-sunod na pag-ulan, mga thunderstorms, at ang pagpasok ng bagyong Aghon pati na rin ng Southwest Monsoon (Habagat) sa nakaraang mga araw ang nagdulot ng mga pag-ulan sa mga western sections ng Luzon at Visayas, ayon sa pahayag ng weather bureau.

Binanggit din ng PAGASA ang mataas na posibilidad ng pagpasok ng La Niña sa Hulyo, Agosto, at Setyembre, na inaasahang magdudulot ng mas madalas na pag-ulan kumpara sa karaniwang tag-ulan hanggang sa katapusan ng 2024.

Sa kabila nito, inaasahan ding magkakaroon ng mga panandaliang pagtigil ng ulan sa panahong ito.

Bilang paalala, nanawagan ang PAGASA na laging maging handa at magtakda ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng tag-ulan, habagat, at ang posibleng pagpasok ng La Niña na maaaring magresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malakas ulan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo