Singil sa kuryente ng Meralco, may bawas ngayong Hunyo

0
60

MAYNILA. Magandang balita para sa mga konsumer ngayong Hunyo, dahil inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente na aabot hanggang 11 sentimos kada kilowatt-hour.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang tapyas-singil ay resulta ng pagbaba ng presyo ng kuryente sa spot market.

Paliwanag niya, katumbas ito ng tinatayang P22 bawas sa buwanang electric bill ng mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh), P32 sa 300 kWh, P43 sa 400 kWh, at P54 sa 500 kWh.

Inaasahang makatutulong ito sa mga kabahayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.