Singil sa kuryente ngayon buwan tataas

0
342

Pagkatapos ng pagbabawas sa singil sa loob ng dalawang magkasunod na buwan, ipinahayag ng Manila Electric Company (Meralco) kahapon, Biyernes, Marso 6, ang dagdag singil sa kuryente na P0.0278 kada kilowatt-hour (kWh).

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang bahagyang pagtaas singil ngayong buwan ay sanhi ng mataas na  generation charge, na pinagaan ng refund sa over-recoveries sa pass-through charges at sa one-time adjustment sa Universal Charge-NPC Stranded Contract Costs (UC-SCC).

Ang P0.0278 per kWh na dagdag singil ay nagmula sa overall rate na P8.8901 per kWh mula sa P8.8623 noong Pebrero.

“This is equivalent to a P6 increase in the total bill of residential customers consuming 200 kWh,” ayon sa paliwanag ni Zaldarriaga.

“This month’s rate is lower than that of last March 2019, which was P10.4961 per kWh,” ayon pa rin sa kanya.

Ang taas-presyo ngayong Marso ay epekto ng Energy Regulatory Commission (ERC)-approved adjustments para sa over/under-recoveries ng Merocal sa mga pass-through charge mula January 2012 hanggang October 2013.

“These adjustments, to be implemented for a period of three months, are incorporated in the generation, transmission, system loss charges, and subsidies,” dagdag pa ni Zaldariagga.

Para sa mga residential customer, aabot sa PhP0.05 per kWh ang taas-singil, hindi pa kasama dito ang buwis.

Mula naman sa P4.5090 per kWh nitong nakaraang buwan, tataas naman ang generation charge ngayong Marso sa  P4.6632 per kWh.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.