Calamba City Laguna. Sinibak sa pwesto ang mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Laguna kasama ang limang nasasangkot sa pagkidnap at pagpatay sa isang negosyante sa Camarines Sur at isang sales agent.
Tumangging banggitin ni HPG director Brig. Gen. Rommel Marbil ang mga pangalan ng limang pulis habang hinihintay ang resulta ng isinasagawa ang parallel probe.
“We also welcome the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) investigation. They are the ones who will divulge the identities of the HPG personnel after they file criminal charges,” ayon kay Marbil.
Ayon kay Lt. Col. Ariel Huesca, CIDG-Quezon head, limang pulis at tatlong sibilyan ang sangkot sa pag-kidnap at pagpatay sa isang nagngangalang Jaime Faramil, Jr. at isa pang kinilalang si Rodrigo Duena.
Si Faramil at si Duena ay umalis sa Naga noong Disyembre 26 noong nakaraang taon para sa isang business transaction ngunit hindi na nakauwi.
Natagpuan ang bangkay ni Duena sa Tayabas, Quezon noong Disyembre 30, 2021 habang si Faramil ay nananatiling nawawala.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.