Sinibak ni Elon Musk ang top brass ng Twitter matapos isara ang $ 44B deal

0
274

Nagtanggal ng ilang top executive ng Twitter ang Tesla CEO na si Elon Musk matapos opisyal niyang mabili ng $44B at makuha ang kontrol ng kumpanya noong Huwebes ng gabi.

Isang source ang nagsabi sa FOX Business na si Twitter CEO Parag Agrawal, CFO Ned Segal, at Vijaya Gadde, pinuno ng legal policy, trust, and safety ay tinanggal. Inakusahan ni Musk ang tatlo ng panlilinlang sa kanya at sa mga namumuhunan hinggil sa bilang ng mga pekeng account sa platform.

Sina Agrawal, Segal, at Gadde ay pinaalis sa gusali matapos matanggal sa trabaho, ayon sa mga taong pamilyar sa bagay na ito na sinabi sa The Washington Post.

Nauna dito, sinabi ni Musk na may plano siyang bawasan ang mga tauhan ng Twitter mula sa humigit-kumulang 7,500 hanggang 2,000 empleyado o halos 75% na pagbabawas.

Hindi tumugon ang Twitter sa kahilingan ng FOX Business na magpaliwanag hinggil sa komento.

Mga Twitter share susupindihin sa New York Stock Exchange bago mag takeover si Musk

Naglakad lakad si Musk sa main office ng Twitter sa San Francisco noong Miyerkules na may dalang porselana na lababo, binago ang kanyang profile sa Twitter ng “Chief Twit,” at nag tweet ng “Entering Twitter HQ – let that sink in!” 

Noong umaga ng Huwebes, sinabi ni Musk na binibili niya ang platform upang matulungan ang sangkatauhan at hindi niya nais na ito at maging isang “free-for-all hellscape.” 

“The reason I acquired Twitter is because it is important to the future of civilization to have a common digital town square, where a wide range of beliefs can be debated in a healthy manner, without resorting to violence,” ayon kay Musk.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.