Nakakuha na ng EUA ang Sinovac para sa pagbabakuna sa mga bata

0
528

Inaprubahan na ng Food and Drug Authority (FDA) ng CoronaVac ng Sinovac, isang Chinese vaccine na gamitin sa pagbabakuna sa mga bata laban sa sakit na coronavirus 2019 (Covid-19).

“We thank the FDA (Food and Drug Administration) and our vaccine experts for approving Sinovac’s CoronaVac for ages 6 and above,” ayon kay IP Biotech Group chairman Enrique Gonzales kahapon.

Ang IP Biotech Group ay isang pharmaceutical consortium na nagpadali sa unang order ng Sinovac na binili ng pribadong sektor.

Sa pahayag ng IP Biotech, sinabi nitong inilabas ng FDA noong Sabado ang aprubadong emergency use authorization (EUA) para sa Sinovac, na nagpapahintulot sa Chinese vaccine na magamit para sa pagbabakuna ng mga menor de edad. Ang walong pahinang dokumento ay nilagdaan ni FDA officer-in-charge director general Dr. Oscar Gutierrez Jr.

“Making this vaccine available to the younger age segment is a game changer protecting the country’s youth and preserving recent gains in controlling the pandemic. This will also ensure greater access and vaccine equity for the Philippines,” dagdag pa ni Gonzales.

Tinuran niya ang pag-aaral sa Chile, na ang bisa ng Sinovac sa 1.9 milyong bata na may edad 6 hanggang 17 taong gulang ay nasa 74 porsiyento.

Pinigilan din nito ang pag-ospital ng 90 porsiyento ng mga bata na nabakunahan ng Sinovac ngunit nagkaroon pa rin ng breakthrough infection, at 100 porsiyento sa kanila ay umiwas sa pag-ospital sa intensive care unit at kamatayan.

“The data will show that Sinovac is indeed a very safe choice for children and teenagers. This supports the notion on the safety and reliability of inactivated virus vaccines, much like the flu vaccine,” ayon kay Gonzales.

Ang mga kalapit na bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, at China ay gumagamit ng Sinovac para sa pagbabakuna sa bata.

Idinagdag niya na ang pagdaragdag ng Sinovac bilang bahagi ng pediatric vaccination program ay makatutulong sa bansa na makamit ang layunin nito na ma- inoculate ang 39 milyong bata.

Sa kasalukuyan ay gumagamit ang gobyerno ng mga tatak ng bakuna na Pfizer at Moderna para sa pagbabakuna sa bata.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.